June 22, 2011

Blog job!

Raaaaakkkkkeeeet!! Nasan ka?

Kelangan ko na ng raket! Now na! :D

Ang hirap palang mag-isip ng mag-isip, nakakaantok. Buong araw akong nag-isip ng niche ko para sa blog kong lalagyan ng Google Adsense. May kita din daw kasi sa blogs. Yung kakilala ko $1k a month. Hmmm... Ayos yun ah! Na-engganyo ako! Si Yugatech, ayon sa Mel and Joey ay nakita ng P100,000 a month. More than a month pala. Aba, pwede ng hindi magtrabaho, mag-blog na lang forever! 

Isip ulit.

Blanko talaga. Hahahaha!

Sige paalam muna, mag-iisip pa ng pagkakakitaan! Yipee!


Written by buchi at 12:12 AM.

Komento por pabor?



June 20, 2011

Mula sa isang mahabang pagkakatulog..

*Halukay halukay*

Toinks. Napadaan at nag "Forgot Password" sa dating blog.

Ang buhay ng isang tao ay parang isang kalsada. Maraming liko-liko, minsan may aksidente, madalas may taong nakakasalamuha, at pudpod ng gulong ng trapiko. Senti mode na naman si Pepe (BHBD Jose Rizal) or Juan, kaya napasulat sa kalagitnaan ng gabi. Andaming nangyari sa loob ng 2 oras na pagtambay ko sa harap ng pc. Pesteng ulan kasi to, hinihila ako papunta sa lugar na patak nya lamang ang mapakikinggan.

Andaming umiikot-ikot na ideya sa utak ko. Lahat sumisigaw ng pagkilos pero hindi ko masyado mapakinggan. Ningas cogon na naman! Hindi na nagamot ang sakit na yan! (Mejo poetic no?) LOL.

Seryoso, andaming mga nakaraang bumalik sakin ngayon sa pagbasa ko sa www.tabulas.com/~buchi. Andito pa pala yung senti post ko dati sa mama ko. Pati yung love post ko sa gf ko dati (na asawa ko na ngayon). Pati yung mga nakaraan pang iba. 

*Halukay halukay*

Nakakatuwa naman mga pics ko sa FB. :D Andaming masasayang moments. 

Listahan ng taong nakasalubong ko sa daang binalikan:

1. Kuya Benj - Ansayang balikan ang nakaraan. Isang parte ng buhay ko noon na hindi ko malilimutan.

2. Celvine - Nag-comment sa FB pics(taken 2 years ago) ko. Napagawi tuloy sa lumang imbakan ng larawan.

3. Jehzlau - Hindi ko kilalang tao. Pero madami ng na-achieve. Nahili at namangha sa kanya. Napaisip tuloy ako, hindi ko ba kaya yung mga ginawa nya? (Answer: Hindi)

4. Sa Tatay ko - (Father's Day eh) Binati ko thru half-sister. Napaisip na naman, ano kaya nangyari kung nagkatuluyan sila ni Mama?

5. Mama ko - Tumayong Mama at Papa. Aishite Imasu!

6. Syempre, si Wishy at Candice - andami na pala naming pinagdaanang dalawa. Nakaka-inlab lalo. Si Candice na pinoproblema ko ang future ngayon. :D Wala pa akong pampa-aral ng college. Amp.

 

 

Salamat sa mga nagbasa sa sinulat kong dala ng emosyon. Pasensya na sa mga nasayang ang oras at na-badtrip.

Ahhh.. Tabulas! Salamat sa hindi pag-delete ng blog ko.

{ music } Bears - Sam Isaac
{ book } Persona 3 Portable walkthrough
{ show } My wife and daughter sleep
{ mood } Nostalgic


Written by buchi at 03:20 AM.

2 Komentos



« Newer · »

Sensaki


Please use this Google Search Box if you are searching for something! Thanks!
Custom Search


Sensaki.Anti-social.Passive.
Inferiority-complex-patient.
Self-confessed-loner.
Stupid.Cynical.Bookworm.
Ragnarocker.Torpe-do.Cake-lover.
Childish.Anime lover.

Full time house-band

navigate

home + archive + about  me + gallery + friends + friends of + favorites

tagboard

your name:

url:

your message:

addiction

Currently hooked on:

Grey's Anatomy
Justice
Death Note
One Piece
Darker Than Black
Prince of Tennis
Pinoy Big Brother
ChicoSci
Heroes
Prison Break
Kyle XY





friends and watchables

-kuya benj-
-biey-
-jazzypsyche-
-tonyrom-
-nanashi sora
-nheenia-
-Ayenthology-

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Tabulas ] blog host
[ buchi ] content