Entries for September, 2007
Dahil sa kahirapan, nanghiram ako ng Harry Potter Book 7 para makapagbasa ako. Nyahaha. Buti na lang may mabait na Maan akong kakilala. Mamaya makakapagbasa nako! Weeee!
Nanuod pa kami ng movie sa bahay nila. Tas umuwi nako ng mga 5. Sumabay si Maan sakin, ako pauwi siya paluwas. Nakakatawa. Dumaan kami dun sa kalyeng daanan ng mga estudyante noong high school kami. Nostalgic. Andami namin nadaanan at naalala. Yung paboritong carinderia na kainan. Yung "Tusukan" na bilihan ng kwek kwek at fishball. Yung bilihan ng ballpen. Yung computer shop na laging pinapaprint-an ng projects. Nakakatawa talaga.
By the way, si Maan ay ex ko. Hahaha. First GF. LOL. Pero we're really reallllly gooood friends now. ^^
{ book } Harry Potter Book 7
{ show } Sweet Home Alabama
{ mood } nostalgic
Written by buchi at 11:42 AM.
Shet. Halos 2 weeks nakong hindi napasok. Wala naman akong ginagawa! Pero tinatamad talaga ako pumasok. Haiiiiis! Na-realize ko kaninang madaling-araw, habang nagrereview ako para sa BLAW22 subject ko, na puro pala ako kabulastugan. Hahaha. Na nagsimula, nung hindi ako nakapasok sa Manila para sa college. Siguro unconciously, nag-rebelde ang sarili kong utak. Hindi na nagseryoso sa aral. Ewan ko din. Ang gulo eh.
Kanina, may nagtanong sakin, "Tol, san nga pala tatay mo?"
"Ahhh. Ewan ko dun. Balita ko sa Canada eh."
Pano ko naman kasi malalaman kung ano na lagay non, eh sa buong buhay ko, tatlong bes ko pa lang siya nakikita. Nyahaha.
Inuman mode! :D Chocolait + GSM Blue = Lasheng!
{ music } I Write Sins Not Tragedies - Panic at the Disco!
{ book } Nancy Drew Files
Written by buchi at 02:48 PM.
Shet. Pakshet. Bulshet. Lahat na ng shet!
Nakakatakot din pala ang mga rambol. Nakow. Dagundong na ang puso ko eh. Anlakas ng tibok. Amp. Sa buong dalawampung taon na nabuhay ako sa mundo, ngayon lang ako napasama sa isang away na talagang brutal. Hindi naman ako kasama sa pag-aaway nila, pero ang balita kasi sa amin ng isang mabait na kaibigan, madadamay daw ako at ang nakababatang pinsan ko dahil nandun kami sa lugar noong nagkagulo.
Ang kwento..
Pagkatapos naming mag inuman-hopping sa dalawang lugar, tinamaan na kami at nagdesisyong umuwi na. Kasama ko ang pinsan ko(17), si Saddam(19) at si Kira(24). Pero dahil masarap mag food trip pagkatapos mag-inom, pumunta muna kami sa gotohan na suki namin.
Tawanan pa kami sa gotohan, tamang trip, na hindi naman gaano nakakagulo. Tas biglang may dumating na isang lasing na si Tukmol-1. Umupo, at kumain din ng goto. Napag-usapan namin ang tungkol dun sa isang tropa ni Saddam na babanatan daw siya. Isang taong ang pangalan ay Peter. Tawanan pa ulit, at doon, nag-react si Tukmol-1. Ano daw ang problema kay Peter. Sabi naman ni babaeng Tukmol-2 na anak ng may-ari ng gotohan, si Tukmol-1 daw ay kapatid ni Peter(na hindi naman pala). Doon, nag-react na rin si Kira. Biglang tumayo si Tukmol-1 at hinampas ang boteng mukhang Emperador, balak saksakin si Kira gamit ang parteng natira sa kamay niya. Umawat na si Saddam dahil kakilala niya pareho. Pero ayaw paawat ni Tukmol-1. Parang naghahanap talaga ng away. Napansin ko nakangiwi si pinsan. Pagtingin ko, tinamaan pala siya ng mga bubog sa braso. Inintindi ko muna si pinsan, hindi naman malala mga sugat pero nag-alala ako na baka mabubog. Nakita ko, inaawat pa rin ni Saddam si Tumol-1. At biglang nangyari ang lahat. Hinablot ng matindi ni Tukmol-1 si Kira sa leeg at napigtal ang "bling-bling" na peyborit ni Kira. Nagalit na si Kira at napaupo sa tabi ng kotse niya. Doon nabunot niya ang Samurai na dala niya. At hinarap si Tukmol-1. Late ang reaction ni Tukmol-1. Nasaksak siya sa likuran nang yumuko siya sa pag-aakalang susuntukin lang siya ni Kira. Pagpansing may tama siya, tumakbo si Tukmol-1. Hinabol ni Kira. Nawala sa tanaw namin ang naghahagaran. Nagpapanic na ang lahat. Pati ako.
Kilala kasi namin si Kira, mula yon sa isang respetadong angkan ng mga hitman. Parang si Killua, pero sa tunay na buhay. Hindi titigil yon ng hindi napapatay ang mga taong basta na lang nakikialam sa kanya. Maswerte pa nga ang hinayupak na yon, dahil hindi dala ni Kira yung .38 nya. Siguro natrauma pa ako kung nakakita ako ng taong binaril sa harapan ko.
Sa ngayon, ayos na daw ang lahat sabi ng Erpats ni Kira. Kinausap na noong isang gabi, at sinabing kapag may nagalaw sa aming apat, malilintikan pati pamilya ni Tukmol-1. Medyo natuwa ako doon, pero pakiramdam ko malabong hindi gumanti si Tukmol-1. Kilala kasi ng isang kaibigan yon, at sinabing kahit daw nag-usap na, dapat pa rin kaming mag-ingat. Kaya kami ngayon ni pinsan, hindi masyado naggagala ng walang kasama. Amp.
First time kong sumugod sa ulan noon para lang sa isang bala ng baril.
First time makakita ng taong nagyabang at biglang nag-amok.
First time nakaamoy ng dugo sa kutsilyo.
First time matakot para sa buhay ng pinsan ko.
At first time ding natakot para sa buhay ko.
Pero ayos lang, kasama ang mga away sa gulong ng buhay. Sana nga lang, hindi ako mapasama palagi sa mga ganong bagay.
{ book } ABNKKBS N PL AKO
{ show } Kekkaishi Anime
{ mood } worried
Written by buchi at 02:22 PM.